Calendar of Events
Live. Love. Lucena
 
City Profile
 
  Lucena Hymn
Philgeps
BUSINESS PERMIT & LICENSING OFFICE

Latest News
  • March
  • February
  • January
  • December
  • November

Women Advocacy Forum, dinaluhan ng mga babaeng leader ng iba't-ibang sektor - March 29, 2012 Lucena City - Nakiisa ang lungsod ng Lucena sa pagdiriwang ng buwan ng kababaihan ngayong Marso sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Women’s Advocacy Forum kahapon na ginanap sa Church of Jesus Christ Latter Day Saints. details on facebook..

Tiangge ng KBPLI, dinagsa kahit umuulan - March 29, 2012 Lucena City - Hindi naging hadlang ang masamang panahon upang ipagpatuloy ng Kalipunan ng mga Babaing Pinuno sa Lucena Inc. (KBPLI) ang kanilang Tiangge at trade fair na ginawa sa gilid ng City Hall kanina. details on facebook..

7th Commencement Exercises ng CCL, binuo ng 290 graduates - March 29, 2012 Lucena City -  “Don’t give up, don’t give up”, ito ang pangwakas na mensahe ni 3rd District Congressman Danilo Suarez sa mga nagsipagtapos mula sa City College of Lucena sa ginanap na 7th Commencement Exercises kahapon sa Queen Margarette Hotel. details on facebook..

 
Dialogue sa pagpapatupad ng Ordinance no. 2367 s. 2009, matagumpay- March 23, 2012 Lucena City -  Humingi ng isang taong palugit para sa phase-out period ng mga plastic ang mga negosyante sa lungsod na dumalo sa ginawang Dialogue Meeting na inorganisa ng pamahalaang lungsod kaugnay sa pagpapatupad ng Ordinance No. 2367 series of 2009 na nagsasaad na “An ordinance regulating the use and sale of all single-use plastic bags, bottles, wrappers, containers and stryrofoam and other non-ecological friendly materials in department stores, malls, groceries, bakeries, restaurants, eateries and others within the territorial jurisdiction of Lucena and prescribing penalties thereof” na ginanap sa Mug Café, Pacific Mall kahapon. details on facebook..

20 aspiring call center agents, nakapasa sa assessment para magtraining ng English Proficiency - March 14, 2012 Lucena City - Dalawampu mula sa mahigit apatnapung aspiring call center agents na sumailalim sa assessment ng American Institute for English Proficiency kahapon ang napili upang magtraining simula sa March 20 hanggang 29 sa Ibabang Iyam. details on facebook..

Pagbuo ng City Anti-Rabies Control Coordinating Council, iminungkahi ng DILG - March 14, 2012 Lucena City - Iminungkahi ni City DILG Director Teodorica Vizcarra sa information Hour ng Sangguniang Panlungsod na magtatag ng City Anti-Rabies Control Coordinating Council upang ito ang mamahala sa pagkontrol at paglaban sa rabies na hatid ng mga asong kalye na hindi natuturukan ng anti-rabies vaccine. details on facebook..

BFP at City Engineering Office, inatasan ni Mayor Talaga na mag-inspection ng mga gusali - March 13, 2012 Lucena City - Inatasan ni Mayor Barbara Ruby C. Talaga ang City Engineering Office at ang Bureau of fire Protection na magsagawa ng inspection sa mga gusali ng pamahalaan kasama na ang business establishments, high rise buildings at mga eskwelahan upang masiguro kung ligtas pa ba ang mga ito at hindi delikadong gamitin. details on facebook..

4Ps beneficiaries, sumailalim sa disaster preparedness seminar - March 12, 2012 Lucena City - Maging ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) ay tinuruan na rin ng mga tamang paghahanda kapag may kalamidad na pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office. details on facebook..

Educational Allowance para sa Bluecard Program, ipinamahagi na - March 12, 2012 Lucena City - Tinanggap na ng mga graduating students mula sa elementarya at sekondarya ang kanilang educational allowance mula sa Bluecard Program ng pamahalaang lungsod. Ito ay ipinagkaloob ni City Administrator Ramon Y. Talaga Jr. sa nasabing mga mag-aaral noong Biyernes sa tanggapan ni Mayor Barbara Ruby C. Talaga. details on facebook..

 
Scholar ng CHED, tumanggap ng tseke - March 8, 2012 Lucena City - Personal na iniabot ni City Administrator Ramon Y. Talaga Jr. kay July Ann Marquez ng barangay Kanlurang Mayao ang tsekeng kaloob ng Commission on Higher Education bilang ayuda sa pagiging scholar nito. details on facebook..

 
Screening sa mga CBMS enumerators, isinagawa - March 8, 2012 Lucena City - Sumailalim na kahapon sa screening ang mahigit 100 aplikante bilang mga enumerators sa isasagawang Community Based Monitoring System sa lungsod. details on facebook..

Gender issues, palalakasin ni Kon. Leny Papa - March 8, 2012 Lucena City -   Tumukoy ang pribilehiyong talumpati ni Konsehal Leny Papa sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlungsod sa mga mahahalagang paalaala at selebrasyon na ginugunita tuwing buwan ng Marso. details on facebook..

22 menor de edad na nagtatrabaho, nailigtas - March 8, 2012 Lucena City -Nailigtas ng mga tauhan ng City Social Welfare and Development Officeat ng Department of Labor and Employment ang 22 menor de edad na nagtatrabaho sa compound ng e fish port sa barangay Dalahican. details on facebook..

Task Force Lucena, kaagapay ng pamahalaan sa paglaban sa kriminalidad - March 5, 2012 Lucena City - Hindi lamang sa pagbibigay ng seguridad sa mga Lucenahin nakatuon ang Task Force Lucena kundi kaagapay din ito ng pamahalaan sa pagpapakalat ng mga impormasyon at kaalaman sa paghahanda sa kalamidad at paglaban sa kriminalidad. details on facebook..

 
Sacred Heart College, naglinis sa ilog ng Dumacaa - March 5, 2012 Lucena City - Nagsama-sama sa isang maka-kalikasang layunin ang iba’t-ibang sector at samahan sa ginanap na “Takbo para sa Ilog Dumacaa” na inorganisa ng Cordian Earth Savers ng Sacred Heart College na ginanap kahapon ng umaga. details on facebook..


Col. Narciso Alamag, tumanggap ng award sa 25th Founding Anniversary ng SOLCOM - February 29, 2012 Lucena City -  inilala sa ginawang pagdiriwang ng 25th Founding anniversary ng Southern Luzon  Command (SOLCOM) ang ilang indibidwal at organisasyon na nakatuwang nito at nakapag-ambag sa pagtataguyod ng katahimikan at kaunlaran sa Southern  Luzon. details on facebook..

Pagtugon sa disaster, nasa balikat na ng lokal na pamahalaan - Kon. Leny Papa - February 29, 2012 Lucena City -  Tinututukan ngayon ng pamahalaang panlungsod ang pagpapalakas at pagpapalawig ng kasanayan ng mga bumubuo sa Lucena City Disaster Risk Reduction and Management Council (LCDRRMC). details on facebook..

Mga inoperahan sa katarata, muling sinuri - February 27, 2012 Lucena City -  Muling sinuri ng grupo ng mga doctor mula sa Philippine Academy of Medical Specialist ang mga sumalang sa libreng operasyon ng katarata noong Pebrero 4-8 na hatid ni Mayor Barbara Ruby C. Talaga sa mga Lucenahin na ginanap noong nakaraang Sabado. details on facebook..

Lakad Talaga Para Sa Puso, matagumpay! - February 27, 2012 Lucena City -    Nasa 800 mga kawani ng pamahalaang panlungsod, mga miyembro ng Kalipunan ng mga Babaing Pinuno sa Lucena Inc. (KBPLI), Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholars, Task Force Lucena, Lucena PNP at business sector ang nagsama-samang nag-alay lakad noong Sabado ng umaga. details on facebook..

 
1 set ng computer ipinagkaloob ng DOLE para sa SRS ng City Government - February 24, 2012 Lucena City -   Pormal ng ipinagkaloob kay Mayor Barbara Ruby C. Talaga ng Department of Labor and Employment (DOLE) Quezon ang isang set ng computer na gagamitin sa data banking ng Skills Registry System (SRS) noong Lunes. details on facebook..

20% na diskwento para sa mga PWD, pinakikinabangan na - February 24, 2012 Lucena City -  Inilahad sa ginanap na meeting ng City Council on Disability Affairs ang kanilang mga naging accomplishment noong nakalipas na taon na naghatid ng kasanayan at kaalaman sa mga miyembro ng Natatanging Sektor ng Lungsod ng Lucena Inc. (NSLLI) na ginanap kahapon sa Social Welfare Complex  sa Zaballero Subdivision. details on facebook..

 
Instrumentong susukat sa patak ng ulan, kailangan sa lungsod - February 24, 2012 Lucena City -  Ipinaliwanag ni Dr. Alfredo Mahar Francisco Lagmay, isang geologist at volcanologist ang naging dahilan kung bakit nakaranas ang ilang lugar sa bansa ng flashfloods katulad nang dumaan ang bagyong  Ondoy at  Sendong . Matatandaang  libong buhay ang nawala at maraming ari-arian ang nasira nang bigla na lamang rumagasa ang tubig mula sa mga kailogan. details on facebook..

 
Arts Exhibit ng Quezon Artists, Tampok sa SM City Lucena - February 23, 2012 Lucena City -  Masisilayan hanggang sa Pebrero 29 sa SM City Lucena ang mga likhang sining ng mga kilalang artists sa lalawigan na itinuturing na Quezon’s Pride dahil sa kanilang angking galing sa pagguhit at pagpinta ng kanilang mga obra. details on facebook..

 
SM City Lucena, Nagsagawa ng Fire Safety and Prevention Orientation Seminar and Fire Drill - February 21, 2012 Lucena City -  Malaking bagay para sa tenants at lahat ng empleyado ng SM City Lucena ang magkaroon ng kaalaman kung paano ililigtas ang sarili kapag may naganap na sunog. Kaya naman kanina isinagawa dito ang Fire Safety and Prevention Orientation Seminar and Fire Drill na pinangunahan ng City Bureau of Fire Protection. details on facebook..

Small Scale Pig Project, Ipinagkaloob sa Brgy. Ibabang Talim - February 20, 2012 Lucena City -  Muling nagsagawa ng pagtitipon ang City Veterinary Office at ang  Univet Animal Health and Nutrition Company (UNAHCO) sa mga residente ng Purok Lilay, barangay Ibabang Talim. Ito ay bilang pagpapatuloy sa programang small and medium scale enterprise sa kabukiran . details on fa

Mga representative ng BESO sumailalim sa training ng SRS - February 16, 2012 Lucena City -  Nagsama-sama sa isinagawang training kanina ang mga kinatawan ng bawat barangay na silang mamamahala sa Barangay Employment Service Office (BESO) na pinamahalaan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Quezon. details on facebook..

 
CBMS, inilunsad sa Lucena - February 15, 2012 Lucena City -  Naging matagumpay ang isinagawang lauching at stakeholders meeting para sa isasagawang Community-Based  Monitoring System o CBMS na dinaluhan ng iba’t-ibang kinatawan mula sa sector ng transportasyon, Homeowners Association, Academe, maninindahan, muslim community, business sector at mga iba pa na interesadong malaman ang tatahakin ng programang CBMS na ginanap noong biyernes ng hapon sa Mug Café, Pacific Mall. details on facebook..

 
215, nabiyayaan ng libreng operasyon sa katarata - February 8, 2012 Lucena City -  Dumalo sa misa pasasalamat kaninang  umaga ang 215 pasyente na libreng naoperahan sa katarata na sumailalim sa pre-screening noong Pebrero 2 at natapos ang operasyon kahapon. details on facebook..


 
Green Turtle, Pinakawalan ng CAO - January 31, 2012 Lucena City -  Isa na namang may kalakihan ng pawikan o Green Turtle ang pinakawalan ng  City Agriculturist Office (CAO) at ng Task Force Bantay  Dagat ng barangay Talao-Talao kahapon ng umaga. details on facebook..

Waste Segregation sa City Hall, Ipatutupad - January 31, 2012 Lucena City -  Sisimulan ng pamahalaang panglunsod sa mga tanggapan nito ang pagpapatupad ng paghihiwalay ng mga basura. details on facebook..

Scouts Royale Brotherhood, Nagsagawa ng General Medical Mission - January 31, 2012 Lucena City -  Nais ipakita ng Scouts Royale Brotherhood na kahit na ang mga fraternity tulad nila na kilala sa gulo, away at rumble sa kalye ay maaaring gumawa ng kapaki-pakinabang sa mga mamamayan. Isang katibayan dito ang pagkakaloob ng SRB ng libreng Medical Mission  sa mga Lucenahin na ginanap noong Linggo sa parking lot ng Pacific Mall. details on facebook..

  1st Anti-Dengue Infomercial Contest, matagumpay - January 31, 2012 Lucena City -   Naging matagumpay ang kauna-unahang Anti-Dengue Infomercial Contest para sa mga mag-aaral sa pampubliko at pribadong elementarya at sekondarya sa lungsod na ginanap kahapon sa Event theatre ng Pacific Mall. details on facebook..

Mayor Talaga, Humiling ng Suporta sa Paglilinis ng Ilog ng Dumacaa at Iyam - January 11, 2012 Lucena City -  Humiling ng suporta sa lahat ng sector na dumalo sa pagpupulong ng Rivers Resuscitation Program si Mayor Barbara Ruby C. Talaga para maging katuwang ng pamahalaan sa paglilinis ng dalawang malaking ilog ng Iyam at Dumacaa. details on facebook..

Topograpiya ng CDO at Iligan City, Kahalintulad ng Lucena ayon kay Dr. Diamante - January 11, 2012 Lucena City -  Humarap sa ginawang pagpupulong ng Rivers Resuscitation Program sa ilalim ng City Planning and Development Office si Dr. Dante Diamante, Medical Officer ng Department of Education. details on facebook..

City Planning and Development Office, Nag-ulat - January 11, 2012 Lucena City -   Isa sa mga itinuturing na humaharap sa pinakamaraming gampanin o trabaho ang City Planning and Development Office (CPDO), karamihan sa mga programang ipinatutupad sa lungsod ay dito dumadaan maging ang mga proyekto sa barangay. details on facebook..

CADAC, Matindi ang Kampanya Laban sa Bawal na Droga - January 10, 2012 Lucena City -  Nakapagtala ang City Anti-Drug Abuse Council ng kabuuang bilang na 3,571 participants mula sa mga eskwelahan, sangguniang barangay, sangguniang kabataan at mga pribadong grupo na kanilang tinungo at nagdaos ng symposium at seminars nitong nakalipas na 2011. details on facebook..

Anima Christi Chorale, Umawit para Matulungan ang mga Batang may Austismo - January 10, 2012 Lucena City -  Napahanga ng Anima Christi Chorale ang mga kawani ng pamahalaang lungsod matapos maghandog ng kanilang awitin bilang bahagi ng kanilang fundraising na igagawad sa Autism Society of the Philippines-Quezon chapter sa ginanap na pagtataas ng watawat kaninang umaga i. details on facebook..

CJODTSMPC, Nananatiling Matatag - January 9, 2012 Lucena City -  Isa na sa maituturing na pinakamatagumpay na koperatiba sa sektor ng transportasyon ang Calmar jeepney operators and drivers Transport service and multi-purpose Cooperative na itinatag noong 2004. details on facebook..

 
557, Nagtapos sa Lucena Manpower Skills Training Center - January 8, 2012 Lucena City - “Hindi titigil ang pamahalaang panglunsod ng Lucena ng pagbibigay ng tulong.” . details on facebook..

 
Kon. Ramil Talaga, Nagpahayag ng Paghanga sa mga Kasapi ng NSLLI - January 8, 2012 Lucena City - Nagpahayag ng paghanga si Konsehal Ramil Talaga sa mga kasapi ng Natatanging Sektor sa lungsod ng Lucena o NSLLI. . details on facebook..

Bagong Medical Response Vehicle, ibinigay sa CHO - January 3, 2012 Lucena City - Personal na iniabot ni Mayor Barbara Ruby C. Talaga kay Dr. Wilfredo Frondoza, City Health Officer ang susi ng bagong sasakyan na gagamitin ng CHO sa panahon ng kalamidad at mga hindi inaasahang pangyayari. details on facebook..

 
Bagong Medical Response Vehicle, ibinigay sa CHO - January 3, 2012 Lucena City - Personal na iniabot ni Mayor Barbara Ruby C. Talaga kay Dr. Wilfredo Frondoza, City Health Officer ang susi ng bagong sasakyan na gagamitin ng CHO sa panahon ng kalamidad at mga hindi inaasahang pangyayari. details on facebook..

Mga Programa ni Mayor Talaga sa 2012, nakalinya at iba pang mga balita - January 2, 2012 Lucena City - Tinatayang nasa P20,000 halaga ng nakumpiskang mga paputok ang binasa ilang oras bago salubungin ang bagong taon noong Sabado sa compound ng Task Force Lucena. details on facebook..


1M, idodonate ng City Government - December 26, 2011 Lucena City -    Kung marami ang nagsasaya sa pagdiriwang ng Pasko marami rin ang nagdadalamhati dahil sa trahedyang dumaan sa Northern part ng Mindanao kung saan maraming buhay at ari-arian ang nawala. details on facebook..

Anak ng OFW, nabigyan ng scholarship ng OWWA - December 22, 2011 Lucena City -    Dalawa lamang ito sa limang kabataang maswerteng napagkalooban ng scholarship grant ng Overseas Workers Welfare Administration  o OWWA na ibinibigay sa mga  mag-aaral na ang magulang ay nagtatrabaho sa ibang bansa. details on facebook..

Mayor Barbara Ruby C. Talaga, nanawagan na ingatan ang mga electrical lines - December 21, 2011 Lucena City -   Nagbigay paalaala si Mayor Barbara Ruby C. Talaga sa mga mamamayan na pag-ingatan ang mga koneksyon o linya ng kuryente na pinagkakabitan ng kanilang mga Christmas lights upang hindi na maulit ang sunog na naganap sa Barangay 7 at sa Christmas tree sa Perez Park. details on facebook..

Mga kababaihang biktima ng pang-aabuso, dapat magsumbong sa mga awtoridad-Mayor Talaga - December 14, 2011 Lucena City -  Hindi tumitigil ang pamahalaang panlungsod sa pagbibigay ng mga training at seminar sa mga kababaihan upang mabigyan ng kaalaman sa kanilang mga karapatan, ito ang inihayag ni Mayor Barbara Ruby C. Talaga sa katatapos na 18- day campaign to end violence against women. details on facebook..

Bagong AFP Chief, laking Lucena - December 13, 2011 Lucena City -  Isang malaking karangalan para sa mga Lucenahin ang pagkakahirang ni President Benigno Aquino III kay Lt. General Jessie D. Dellosa bilang ika-43 chief of Staff ng Armed forces of the Philippines. Si General Dellosa, 54 na taong gulang ay ang kahihirang na bagong manunungkulan bilang pinakamataas na pinuno ng Hukbong santahan ng Pilipinas sa loob ng dalawang taon bago ang kanyang pagreretiro. details on facebook..

Mag-ingat sa pagpili ng mga imported na laruan, payo ni Kon. Maano - December 13, 2011 Lucena City -  Pinaalalahanan ni Kon. Romeo Maano ang mga mamimili ng regalo ngayong Pasko  na mag-ingat sa pagpili ng laruan na  bibilhin dahil baka ang mabili nila ay nagtataglay ng sangkap na nakalalason. details on facebook..

Kandidato at kandidata sa Kiddie King and Queen, rumampa - December 12, 2011 Lucena City -  Rumampa suot ang naggagandahang gowns ang 25 na pares ng mga bata mula sa iba’t-ibang Day Care Center sa lungsod sa ginanap ng Coronation Day ng Search for Kiddie King and Queen 2011. details on facebook..

Maagang pamasko, inihandog ni Gov. David "Jayjay" Suarez sa mga batang Lucenahin - December 12, 2011 Lucena City -   Ramdam na ramdam ang Pasko ng mga kabataan at mga magulang na napabilang sa 2011 Provincial Government of Quezon Children’s Day and Gift-giving na ginanap sa Convention Center noong Biyernes. details on facebook..

Task Force Paputok, Muling Nagpulong - December 9, 2011 Lucena City -  Sa ikalawang pagkakataon ay nagpulong ang bumubuo ng Task Force Paputok upang pagtalakayan ang mga magiging paghahanda sa pagsalubong ng bagong taon. details on facebook..

Lucena Public Market Office, Nagsasagawa ng Price Monitoring Araw-Araw - December 9, 2011 Lucena City -  Ngayong nalalapit ang kapaskuhan, nagsasagawa ng sariling monitoring sa mga presyo ng pangunahing bilihin ang pamunuan ng Lucena Public Market upang hindi mapagsamantalahan ang mga mamimili, ito ang pahayag ni Mario Saludo, ang administrador ng Public Market. details on facebook..

Mga Meat Vendors, Pinulong ng City Veterinary Office - December 9, 2011 Lucena City -  Dahil sa balitang patuloy na nakakapasok sa lungsod ng Lucena ang karneng botcha agad na kumilos ang City Veterinary office upang aksyunan ang usapin at alisin ang pangamba ng mga mamimili. details on facebook..

Bokal Romano Talaga at Kon. Ramil Talaga, namahagi ng tulong sa nasunugan - December 6, 2011 Lucena City -  Tatlumpo’t-apat na pamilya sa Flores subdivision sakop ng brgy 7 ang nawalan ng tahanan matapos tupukin ng apoy noong Sabado ng umaga. details on facebook..

2011 Regional School Press Conference, ginaganap - December 6, 2011 Lucena City - Mainit na tinanggap ng lungsod ng Lucena ang mga delegado mula sa iba’t-ibang Provincial at City Schools Division sa Region 4-A para sa ginaganap na 2011 Regional School Press Conference (RSPC). details on facebook..


Skills Registry System, Isinusulong ni Kon. Talaga - November 30, 2011 Lucena City -  Isinulong ni Senior city councilor  Ramil Talaga sa sangguniang panlungsod ang SRS o Skills Registry System para makatulong sa madaling paghahanap ng trabaho ng mga Lucenahin. Sa pamamagitan ng Memorandum of Undertaking ang bawat barangay ay amgkakaroon ng representative na tuturuan ng Department of Labor and employment para sa implementasyon ng SRS. details on facebook..

Lucena PNP, Nag-ulat - November 29, 2011 Lucena City - Nagkaroon ng pagkakataong maibahagi ni PSupt. Ramon Balauag, hepe ng Lucena PNP ang mga nagawa ng kanilang tanggapan  simula ng siya’y manungkulan dito umpisa noong Hunyo hanggang sa kasalukuyan, ito ay isinagawa sa ginanap na regular flag raising ceremony kahapon. details on facebook..

 
2nd Rivers Clean-Up, Isinagawa ng Rivers Resuscitation Program - November 28, 2011 Lucena City - Masangsang na amoy mula sa tambak ng basura sa ilalim ng riles ng tren sa pagitan ng barangay 8 at barangay Cotta ang tumambad sa grupo ng mga boluntaryong sumama sa 2nd Rivers clean-up na isinagawa ng Rivers Resuscitation Program sa pampang ng ilog Dumacaa at Iyam noong Sabado ng umaga. details on facebook..

 
Fun Walk, Isinagawa ng District Parents Teachers Association - November 28, 2011 Lucena City - Dinaan sa funwalk ng District Parents Teachers Association na dinaluhan ng mga guro,mag-aaral at mga magulang upang makalikom ng pondo na ipambibili ng ilang pangangailangan sa eskwelahan na ginanap dakong alas-6:00 ng umaga noong araw ng Sabado na inumpisahan sa Perez Park at nagtapos sa Mug Café Pacific Mall. details on facebook..

 
City Athletic Meet 2011, Nagsimula na - November 24, 2011 Lucena City -   “Palakasan ang isa sa prayoridad ng pamahalaang panlungsod”, ito ang tinuran ni Mayor Barbara Ruby C. Talaga sa mga manlalarong kabilang sa Palarong Panlungsod o City Athletic Meet 2011 na pormal na inumpisahan kanina sa West I Elementary School. details on facebook..

 
200 baby turtles, pakakawalan sa brgy. Talao-talao - November 23, 2011 Lucena City -  Pinakawalan sa tulong ng mga tauhan ng City Agriculturist Office at ng mga opisyal ng barangay Barra sa pangunguna ni Kapitan Elmer Adversario ang isang pawikan o green turtle na may timbang na halos 10 kilo sa may bahagi ng Tayabas Bay noong Biyernes. details on facebook..

Mga colorum na tricycle, patuloy na huhulihin - November 22, 2011 Lucena City -  Muli na namang nagsagawa ng simultaneous operation sa panghuhuli ng colorum na tricycle ang mga kapulisan noong Biyernes ng gabi na nagresulta sa pagkakaimpound ng nasa 60 yunit ng mga tricycle na pansamantalang inihimpil sa compound ng city hall. details on facebook..

Implementasyon ng Magna Carta for Disabled Persons, tinalakay sa LGU Partners PWD Advocacy Forum - November 22, 2011 Lucena City -  Umaabot na sa 973 ang kasalukuyang miyembro ng Natatanging Sektor sa Lungsod ng Lucena Inc. (NSLLI) o Persons with Disability (PWD), ito ay base sa tala na ibinigay ni Mrs. Angelita Quesea, pangulo ng NSLLI kasama na ang mga batang may kapansanan na may edad mula 1-14 na nasa 80. details on facebook..

2nd Rivers clean-up, gagawin sa Nov. 26 - November 17, 2011 Lucena City -  Magsasagawa ng 2nd Rivers clean-up sa November 26 ang Rivers Resuscitation Committee para tanggalin ang tambak ng basurang nakita sa rail road tracks na nasa pagitan ng barangay Cotta at barangay 8 , ito ang isa sa mga napag-usapan sa ginanap na regular na meeting ng Rivers Resuscitation Program noong Miyerkules. details on facebook..

 
Basic Rescue for Community Training, Isinasagawa ng Lucena City Disaster Risk Reduction and Management Council - November 16, 2011 Lucena City -  Sumasailalim ngayon sa dalawang araw na “Basic Rescue for Community Training” ang mga volunteer rescuers na ipinadala ng 13 barangay na nasa mga low lying area na ginaganap sa Ouan’s Worth Farm and Resort. details on facebook..

Kon. Papa, patuloy na magsisilbi sa tanggapan ni Mayor Talaga - November 15, 2011 Lucena City -  Kahit opisyal ng nanunungkulan bilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod si Kon. Leny Papa ay regular pa rin itong magsisilbi sa tanggapan ni Mayor Barbara Ruby C. Talaga at makakatuwang sa pagsusulong ng mga proyekto nito. details on facebook..

 
50 day care students, binigyan ng regalo kasabay ng unveiling ng Christmas Centerpiece sa SM - November 14, 2011 Naging makulay, masaya at puno ng kagalakan ang mga sumaksi sa grand unveiling at lighting ng Christmas Centerpiece sa SM City Lucena na sumisimbolo ng pag-uumpisa ng kapaskuhan na ginanap noong Sabado. details on facebook..

PPUR, Pasok sa New 7 Wonders of Nature - November 14, 2011 Lucena City -  Sama-samang bomoto at nagtext ang mga kawani ng pamahalaang panlungsod kabilang si Mayor Barbara Ruby C. Talaga bilang suporta sa entry ng Pilipinas sa New 7 Wonders of Nature ang Puerto Princesa Underground River (PPUR). details on facebook..

 
Kon. Leny Papa, nanumpa na bilang kapalit ni Kon. Asilo sa SP - November 11, 2011 Lucena City -  Pormal ng nanumpa bilang konsehal o miyembro ng Sangguniang Panlungsod  si Ms. Leonora “Leny” Papa bilang kapalit ni dating Konsehal Wilfredo Asilo sa harap ni Mayor Barbara Ruby C. Talaga kahapon matapos tanggapin ang appointment  nito mula sa palasyo ng Malacanang na pirmado ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino. details on facebook...

7 barangay may libreng pay per view sa labang Pacquiao-Marquez - November 10, 2011 Lucena City -  Muling masasaksihan ng libre ng mga Lucenahin ang live telecast ng labang Pacquiao-Marquez sa pamamagitan ng pay per view na ipalalagay ni Mayor Barbara Ruby C. Talaga sa pitong barangay dito. . details on facebook..

Mass Treatment laban sa Filiriasis, Sabay-Sabay na Isasagawa. - November 9, 2011 Lucena City -  Sabay-sabay na gagawin sa mga piling lugar sa bansa kabilang ang lalawigan ng Quezon at lungsod ng Lucena  ang mass treatment laban sa filiriasis na dala  ng lamok.           
Napag-alaman mula kay Dr. Vincent Martinez, Assistant City Health Officer, ang filiriasis, ay isang uri ng sakit o parasitic infection na may micro-filaria (maliliit na bulate sa dugo ) na pwedeng dalhin ng kagat ng lamok. Ito umano ay bumabara sa mga kulani sa loob ng katawan na kadalasang naaapektuhan ay paa, scrutum ng lalaki at suso sa mga babae.  details on facebook...

 
Pamahalaang Panlungsod, Nabiyayaan ng 1,425 Jeans ng SM Foundation Inc. - November 3, 2011 Lucena City - Tumanggap ng maagang pamasko mula sa SM Foundation Inc.ang pamahalaang panlungsod na pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) na ginanap kahapon sa Social Welfare Complex, Zaballero Subd., Barangay Gulang-gulang.  details on facebook...

 
54 na Day Care Centers sa lungsod, nakiisa sa pagdiriwang ng Universal Children's Month - November 2, 2011 Lucena City - Nakiisa ang 54 na day care centers (DCC) sa buong lungsod sa pagdiriwang ng  Universal Children’s Month noong buwan ng Oktubre na pinamahalaan ng City Social Welfare And Development Office (CSWDO). details on facebook...


 
 
Copyright © 2010 City Government of Lucena. All rights reserved.