Lucena City - Pinaalalahanan ng City Veterinary Office ang mga pet owners dito sa lungsod ng Lucena na huwag hayaang alpas ang kanilang mga alagang aso upang makaiwas sa disgrasya gaya na lamang ng nangyari sa batang namatay matapos sakmalin sa leeg ng isang nakawalang aso sa Zamboanga City.
Sa panayam ng TV 12 kay Dr. Winston Avillo, City Veterinarian, sinabi nya na simula ngayong buwan ng Pebreroay iikot na ang isang motorsiklong de sidecar sa bara-barangay upang manghuli ng mga asong gumagala na kalimitan at mga asong askal.
Sinabi ni Dr. Avillo na ang lahat ng mga mahuhuling askal ay dadalhin sa dog impounding area sa bahagi ng Brgy. Mayao Crossing at tuturukan ng anti rabies at maaari itong tubusin ng may ari sa halagang P50.00. Gayunman, pagkalipas ng 3 araw na walang magki-claim sa mga asong nahuli ay kanila itong isasailalim sa mercy killing o yung tinatawag na euthanasia.
Samantala, ang City Veterinary Office ay laging kasama sa tuwing nagsasagawa ng Medical Mission ang City Government para sa kanilang iwas rabies campaign. (PIO)
|