Calendar of Events
Live. Love. Lucena
 
Home
 
  Lucena Hymn
Philgeps
BUSINESS PERMIT & LICENSING OFFICE

Latest News

Mga emplyeado ng City Hall, wag ng sumali sa isyu ng pulitika

Lucena City - Pinakiusapan ni Lucena City Mayor Roderick Dondon Alcala ang mga kawani ng Pamahalaang Panglungsod na umiwas na sa isyu ng pulitika, at atupagin na lamang ang kani-kanilang mga trabaho sa kanilang mga tanggapan.

Ang pahayag ay ginawa ng alkalde upang maiwasan na ang iringan at pagbalam ng trabaho dahil sa paghalo ng isyu ng pulitika sa bawat departamento ng pamahalaang panglungsod. Nangyayari umano ito ayon sa alkalde, dahil sa patuloy na pagtanggap o pagi-entertain ng tawag at instruction mula sa dating namumuno sa lungsod na lubos na nakakaapekto at nagdudulot sa pagbalam ng trabaho sa mga departamento.

Sinabi ng alkalde na hindi maaaring magsilbi sa dalawang hari ang mga empleyado kung kayat nararapat lamang na mamili sila ng kanilang susundin. At dahil siya naman umano ang punong lungsod ngayon, marapat lamang na siya ang sundin at hindi ang ibang tao.

Binanggit pa ni Mayor Dondon Alcala na huwag na ring makisali pa sa ‘word war” at higit na pagtuunan ng pansin ang paglilingkod sa mga mamamayan. (PIO)

 

 
 
Copyright © 2010 City Government of Lucena in Cooperation with Qtech BSI.