Calendar of Events
Live. Love. Lucena
 
Home
 
  Lucena Hymn
Philgeps
BUSINESS PERMIT & LICENSING OFFICE

Latest News

Lucena City – Walang dapat na ipangamba ang mga negosyante na hindi umabot sa renewal sapagkat hihindi magpapataw, bagkus ay nagbigay ng extension ang Business permit and Licensing Office, ito ang ipinahayag ni Mr. Joe Colar sa isang panayam sa kanya .

Ayon kay Mr. Colar, nagbigay ng extension ang BPLO para mapabigyan ng pagkakataon na makapag apaly ng renewal ang mahigit pa sa 300 business stablishment na hindi umabot sa deadline nitong nakaraang January 30. Ang ibig sabihin umano nito, walang ipapataw na 25% penalty na kalimitang kinukuha sa basic tax ng isang aplikante.

Marami naman ang natuwa sa mas pinabilis na proseso ngayon ng business renewal na isa sa pinagtuunan ng pansin ni Mayor Dondon Alcala, noong unang araw ay sa BPLO pa mismo nag-opisina ang alkalde, kasama ang ilang department heads ng city Government.

Nais ipakita ni Mayor Dondon Alcala na sinsero ang kanyang administrasyon na pagtuunan ng pansin ang lahat ng bagay, kabilang na ang sector ng negosyo sa lungsod. Naniniwala kasi ang alkalde na kung buhay at masigla ang business sector sa lungsod ay magiging masigla rin ang local na ekonomiya natin dito. (PIO)

 

 
 
Copyright © 2010 City Government of Lucena in Cooperation with Qtech BSI.