Calendar of Events
Live. Love. Lucena
 
Home
 
  Lucena Hymn
Philgeps
BUSINESS PERMIT & LICENSING OFFICE

Latest News

Padyak ng Nagkakaisang Siklista ni Mayor Dondon Alcala, isasagawa sa Feb. 17

Lucena City - Inaasahang dadagsa pa ang bilang ng mga lalahok sa nalalapit na Fun ride ng City Sports Development Office na may temang Padyak Para sa Puso : Pangkalusugan at Padyak ng Nagkakaisang Siklista ni Mayor Dondon Alcala, na isasagawa sa araw ng Linggo.

Umaabot na ngayon sa halos 500 ang kumpirmadong lalahok sa naturang aktibidad na mula sa ibat-ibang grupo ng mga siklista hindi lamang sa lungsod ng Lucena kundi maging sa mga kalapit bayan gaya ng Sariaya, Tayabas, Pagbilao, Tiaong at Mauban.

Sisimulan ang Fun ride sa bahagi ng Pacific Mall paikot sa kabayanan ng lungsod patungo sa bahagi ng Calumpang sa Tayabas hanggang sa makarating sa Pagbilao at pabalik muli ng Pacific mall.

May nakahandang papremyo sa mga mapipiling kalahok, kabilang ang para sa youngest bikers, oldest biker, biggest groups, longest willis at most discipline group. Habang nakatakdang i-donate naman sa isang charitable institutions ang malilikom na halaga na magmumula sa registration ng mga kalahok.

Kabilang sa mga lalahok sa Fun ride ay ang mga bikers mula sa PNP at mga bikers na mula sa Lucena, Pagbilao, Tayabas, Sariaya, Tiaong at maging ang BJMP, SOLCOM at TF Lucena. Lalahok din ang Mauban Bikers, Lost Pencionados Bikers, Quezon Medical Bikers Club, Dirt Club, Young Bikers Club, Padyak, Quezon Bikers Club Tayabas Cycling Association, Pagbilao Bikers, Lucena Mountain Bikers Club, Cotta Bikers, Team Life Bikers, Team Lu, team lucena Uno, team adventurous bikers club, solid bikers team, LA movers bikers, team bond Jing, Igor team bikers, talipan bikers, Fattyre Bikers Club, Congressman Irvin Alcala bikers club at Lucena Bikers Adventurous Club. (PIO)

 

 
 
Copyright © 2010 City Government of Lucena in Cooperation with Qtech BSI.