Pamahalaang panlungsod namahagi ng 30 mga wheel chairs sa ilang mga Lucenahin

PIO Lucena, 2017-06-01
Tinatayang aabot sa 30 mga wheelchairs ang ipinamahagi ng pamahalaang panlungsod sa ilang mga Lucenahin kamakailan.

Ginanap ang naturang pamamahaging ito sa Punzalan Gym kasabay na rin ng pamimigay ng birthday cash gift sa mga senior citizens na nagdiwang ng kanilang kaarawan para sa buwan ng Mayo.

Personal na ipinagkaloob ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang naturang kagamitang ito sa ilang mga benipisyaryo na nagmula pa sa iba’t-ibang barangay sa Lucena.

Sa isang panayam ng TV12 kay Ginang Teresita Comia, isa sa mga nabigyan ng wheelchair na ito, naging emosyonal ito sa kung ano ang kaniyang masasabi sa pamamahigng ito ng alkalde ng lungsod.

Aniya lubos siyang nagpapasalamat sa alkalde sa pagkakasama sa kaniya sa mga nabiyaaan nito na malaki ang maitutulong sa mga mga katulad niyang PWD.

Ang pamamahagi ng wheelchair na ito ay isa lamang sa mga programa ni Mayor Dondon Alcala para sa mga senior citizens at PWD’s na nagangailangan ng naturang kagamitan.

Kung matatandaan, una nang nakapagbigay ng nabanggit na gamit ang alkalde sa ilang mga Lucenahin na kung saan ay personal niya itong ibinibigay sa kanila.

Isang pagpapatunay lamang ito na ang lahat ng sektor sa lungsod ay binibigyang pansin ni mayor Dondon Alcala dahilan sa isa samga hinahangad nito ay ang maging maayos ang pamumuhay ng bawat Lucenahin sa Bagong Lucena.