Libreng PhilHealth para sa mga Lucenahin

PIO Lucena, 2017-05-31
Aabot sa mahigit na 4,000 mga Lucenahin ang napagkalooban ng libreng Membership Data Record ng Philhealth ng pamahalaang panlungsod kamakailan.

Ito ay bilang bahagi ng programa ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala na Bagong Lucena Health Program sa ilalim ng City Health office.

Ang naturang MDR na ito ay ibinibigay sa mga mahihirap na Lucenahin at wala pang record sa Philhealth.

Ayon kay Mayor Alcala, isang napakalaking bagay ng MDR na ito sakaling mangailangan ang pamilya ng mga benipisyaryo nito dahilan sa makatutulong ito para sa kanila.

At sakali aniyang mayroon pang kaunting tulong pa na kinakailangan ang mga nabiyayaan nito ay nakahanda naman ang BLHP at si Mayor Dondon Alcala na tulungan ang mga ito.

Tanging habilin lamang ng punong lungsod sa mga nabiyayaan nito ay protektahan ang kanilang kalusugan upang sa ganun ay huwag na nilang gamitin ito at kundi man ay maging ligtas sila sa anu mang uri ng karamdaman.

Lubos naman ang naging pasaslamat ng mga napagkalooban ng libreng MDR na ito ng Philhealth kay Mayor Alcala dahilan sa nagkaroon sila ng isang benipisyong pangkalusugan na kanilang magagamit sa oras ng pangangailangan.

Batay sa City Health Office, ang naturang membership data record na nabanggit ay tatagal hanggang sa huling araw ng Disyembre ng kasalukuyang taon.

Ang pamimigay ng MDR na ito ay isang paraan ni Mayor Dondon Alcala na matulungan ang mga nangangailangang Lucenahin pagdating sa usaping pangkalusugan.

Dahilan sa isa samga hinahangad ng alkalde ay ang maging ligtas ang lahat ng mga mamamayan ng lungsod sa anumang uri ng karamdaman.