Calendar of Events
Live. Love. Lucena
 
Home
 
  Lucena Hymn
Philgeps
BUSINESS PERMIT & LICENSING OFFICE

Latest News
Mga proyekto ni Mayor Dondon Alcala, umani ng masigabong palakpakan sa isinagawang Barangay Justice Symposium

Press Release - January 28, 2013

LUCENA CITY - Namayagpag ang kulay dilaw sa conference hall ng Sulo Riviera Hotel sa Barangay Ibabang Dupay kung saan ginanap ang Symposium ng Barangay Justice na dinaluhan ng daan-daang miyembro ng Lupong Tagapamayapa ng mga barangay ng Lungsod ng Lucena na nagmula sa iba’t-ibang barangay ng lunsod.

Bilang pangunahing bisita at tagapagsalita ay pinahalagahan ni Mayor Roderick “Don-Don” Alcala ang pagkakaroon ng mga lupong tagapamayapa at iginiit nito na kalimutan na muna ng lahat ang pulitika upang mas mabigyan ang lahat ng kaukulang serbisyo para sa mga mamamayan ng lungsod.

Sumang-ayon ang lahat na dumalo na kinabibilangan ng may 20 kapitan ng barangay at humigit kumulang 500 miyembro ng mga lupon ng mga barangay ng lungsod. Masigabong palakpakan ang isinagot ng mga ito nang isa-isahin ni Mayor Alcala ang mga proyektong naisagawa na ng kaniyang pamunuan sa halos dalawang buwan pa lamang na panunungkulan nito tulad ng asphalt overlay, libreng matrikula sa CCL, medical missions, pagbibigay ng certified palay seeds at ang magiging pagbubukas ng dalawang satellite markets.

Binigyang diin din ng alkalde na bagamat ginigipit ng majority opposition sa sangguniang panglunsod ang budget na sana ay kanyang magagamit ay hindi naman ito nagiging hadlang sa implementasyon ng kanyang mga programa sapagkat nakaalalay sa kanyang administrasyon sina DA Sec. Proceso Alcala, Cong. Irvin Alcala at Vice Gov. Vicente Alcala.

Ilan sa mga kapitan ng barangay na dumalo sa nasabing pagpupulong ay kinabibilangan nina Kap. Nilo Villapando ng Brgy. 1, Kap. Edwin Menor ng Brgy II, Kap. Manuel Basbacio ng Brgy. VI, Kap. Mario Paris ng Brgy VII, Kap. Gerardo Dela Cruz ng Brhy IX, Kap. Romulo Lagar ng Brgy. Bocohan, Kap. Narfil Abrencillo ng Brgy. Gulang-Gulang, Kap. Lucelito Abadilla ng Brgy. Ilayang Dupay, Kap. Edwin Napule ng Brgy. Marketview, Kap. Alberto Ranas ng Brgy. Mayao Crossing, Kap. Artemio Quisao ng Brgy. Kanlurang Mayao at Kap. Gregorio Vecinal ng Brgy. Salinas, Kap. Leslie Roxas, Brgy. III at Kap. Mardelene Bautista, Bry. Dalahican. (PIO Lucena)

 

 
 
Copyright © 2010 City Government of Lucena in Cooperation with Qtech BSI.