Lucena City - Tiniyak ni Lucena City Mayor Roderick Dondon Alcala na pantay na makakakuha ng tulong mula sa Pamahalaang Panglunsod ang mga Lucenahing nagtataglay ng ibat-ibang uri ng card, maging ito man ay blue card, yellow card o 4P’s (Pantawid Pamilya Pilipino Program).
Ipinaliwanag ni Mayor Dondon Alcala na ang blue card ay hindi programa ng iisang tao o politiko kundi ito ay programa ng ating gobyerno kung kayat magiging tuloy-tuloy ang tulong na matatanggap ng mga blue card holders.
Sinabi pa ni Mayor Dondon Alcala na maging ang mga tao na nagtataglay ng 4P,s isang programa ng national government ay nais din niyang pagkalooban ng dagdag na ayuda sapagkat ang nais lang umano niya, ay mapaglingkuran ang sinumang lalapit sa kanya gayundin ay mapagkalooban ng tulong ang lahat, sinuman ang suportahan ng mga ito, sapagkat bawat isa bilang ama ng lungsod, ang lahat ay itinuturing niyang parang mga na anak.
Ang pahayag ay ginawa ng alkalde sa isinagawang Medical & Dental Mission sa barangay Cotta, kung saan naging napakalakas ng tugon ng lahat ng dumalo ng tanungin ng alkalde kung nais nila na sumama para sa isang Bagong Lucena. (PIO)