Calendar of Events
Live. Love. Lucena
 
Home
 
  Lucena Hymn
Philgeps
BUSINESS PERMIT & LICENSING OFFICE

Latest News

Drugs & crime prevention, ilan sa mga pinatututukan ni Mayor dondon Alcala sa bagong hepe ng Lucena PNP

Lucena City – Sinabi ni PSupt. Allen Rae Co, ang bagong hepe ng Lucena City PNP na simple lang ang nagging kautusan ni Lucena City Mayor Roderick Dondon Alcala, ito ay ang higit na pagtuunan ng pansin ang ukol sa crime and drug prevention sa lungsod ng Lucena.

Sa panayam ng TV 12 kay Col. Co, sinabi niya na ang Lucena City ay isa sa maituturing niyang 2nd hometown kung kayat hangad din niya na maitaguyod ang kaayusan at kapayapaan kung saan kapag lumabas ang isang Lucenahin sa kahit na anong oras, saan mang lugar ay safe o ligtas ang mga ito.

Binilinan na rin umano niya ang mga tauhan o personell ng Lucena PNP na ituring na parang kapamilya ang bawat biktima upang mas mabilis na maibigay ang katarungan na hinihingi ng mga ito.

Kaugnay nito, hiningi ni Co, ang moral support sa kapulisan ng mga mamamayang Lucenahin, maging ang pagtitiwala ng mga ito sa kanilang hanay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga impormasyon hinggil sa mga illegal na aktibidad na nangyayari sa kanilang lugar upang mas mabilis na maaksyunan ang mga problema lalo na ang ukol sa droga at krimen sa buong kalunsuran. (PIO)

 

 
 
Copyright © 2010 City Government of Lucena in Cooperation with Qtech BSI.