Calendar of Events
Live. Love. Lucena
 
Home
 
  Lucena Hymn
Philgeps
BUSINESS PERMIT & LICENSING OFFICE

Latest News

Libreng internet access sa City Cybrary, isa sa mga serbisyong ipinagkakaloob ng City Library

Lucena City – Malaking tulong at malaki din ang matitipid ng isang estudyante na nangangailangang magsagawa ng research online sa libreng computer internet access na ipinagkakaloob ng City Library. Sa panayam ng TV 12 kay Ms. Ivy Rose Delaro, hepe ng City Library, sinabi niya na laging bukas ang Cybrary ng kanilang opisina kung saan mayroon silang 14 na computer units na libreng maaaring gamitin ng mga nagnanais na mag-research online.

Ayon kay Ms. Declaro, maaaring mag-avail ng libreng computer internet access ang sinumang interesado basta maibigay ang mga requirements na hihingin ng kanilang opisina para mapagkalooban ng internet card na para sa 35 sessions o isang oras kada araw.

Kaugnay nito, hiniling ng City Library na madagdagan ang espasyo sa kanilang opisina upang ma-accommodate ang patuloy na tumataas na bilang ng mga estudyante na nagtutungo doon para magresearch. Ayon kay ms. Declaro, sa kabuuan ay umaabot sa 200 hanggang 250 researcher, karamihan ay mga estudyante araw-araw ang nagtutungo sa City Library.

Ang City Library ay nasa direktang superbisyon ng Mayor’s office at technical supervision ng National Library of the Philippines at bukas ito para sa lahat mula alas 8 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi para maipagkaloob ang 3 basic services ng nasabing opisina. (PIO)

 

 
 
Copyright © 2010 City Government of Lucena in Cooperation with Qtech BSI.