Calendar of Events
Live. Love. Lucena
 
Home
 
  Lucena Hymn
Philgeps
BUSINESS PERMIT & LICENSING OFFICE

Latest News
Lucena City -

Nadagdagan ng sigla ang sports festival na isinagawa ng City College of Lucena sa Punzalan Gymnasium nong nakaraang lingo matapos na lumahok ang mayors team sa basketball kontra sa Faculty team ng nasabing eskwelahan.

Mismong si Mayor Dondon Alcala ay naglaro ng basketball kasama ang kanyang team sa Mayors office na lalong nagpatingkad sa naturang event.  Bagamat nanalo sa laro ang faculty team ng City College of Lucena, masayang binate ni Mayor Dondon ang mga ito at nag biro pa ang alkalde na sadya nilang ipinatalo ang naturang game.

Ipinahayag naman ng alkalde ang kanyang buong suporta sa pang gobyernong eskuwelahang ito sapagkat naniniwala umano siya na higit sa anupaman, ang edukasyon ay isa sa mga dapat na pagtuunan ng gobyerno.

Magugunitang kasabay ng CCL sports festival ay ipinahayag ng alkalde na magiging libre na ang tuition sa nasabing eskuwelahan na lubos na hinangaan lalo na ng mga magulang at estudyante. Sapagkat kung kanila umanong susumahin, aabot sa P7-libo kada school year ang matitipid ng isang magulang na nagpapa-aaral ng anak. (PIO)

 

 
 
Copyright © 2010 City Government of Lucena in Cooperation with Qtech BSI.