Calendar of Events
Live. Love. Lucena
 
Home
 
  Lucena Hymn
Philgeps
BUSINESS PERMIT & LICENSING OFFICE

Latest News
Mahigit 300 residente sa Brgy. 5, nakinabang sa unang arangkada ng Medical & Dental Mission ngayong taon

Press Release - January 17

LUCENA CITY –Tumanggap ng tulong medikal at dental ang humigit kumulang sa 300 residente ng Barangay 5 matapos ang kauna-unahang Medical & Dental Missions ngayong taong 2013 na inilunsad ng tanggapan ni Mayor Dondon Alcala.

Ilang mga gamot tulad ng paracetamol, mefenamic acid, amoxicillin, anti-bacterial, at multi-vitamins ang ipinamahagi sa mga residente sa naturang barangay. Kasama ng mga kawani ng City Health Office sa pamumuno ni Dr. Wilfredo Frondoza ay nakipag-daupang-palad ang punong-lungsod sa mga mamamayan ng nabanggit na barangay.

Kaugnay nito, naniniwala ang alkalde na upang mas mapaunlad ang lungsod ay kinakailangang pagtuunan din ng pansin ang aspetong pangkalusugan.

Bukod sa medical and dental mission, nagkaloob din ng libreng pagpapabakuna sa aso at pusa para sa anti-rabies na nagmula sa opisina ng City Veterinarian.

Siniguro din ng alkalde na ang nasabing misyon ay umpisa pa lamang sa mas marami pang proyekto ng kanyang tanggapan. (PIO Lucena)
 

 
 
Copyright © 2010 City Government of Lucena in Cooperation with Qtech BSI.