Calendar of Events
Live. Love. Lucena
 
Home
 
  Lucena Hymn
Philgeps
BUSINESS PERMIT & LICENSING OFFICE

Latest News

Pangongolekta ng 10% amusement tax sa 2 sabungan ng lungsod, mahigpit na ipatutupad sa lungsod ng Lucena

Lucena City – Inaasahan ang malaking paglobo ng koleksyon sa amusement tax ngayong taong 2013 matapos mahigpit na ipag-utos at ipa-implementa ni Lucena City Mayor Roderick Dondon Alcala ang City Ordinance No. 2285 ng Local Revise Revenue Code na nag-aatas sa pangongolekta ng 10% amusement tax sa tuwing may sabong ang dalawang cockpit arena sa lungsod.

Base sa comparative amusement tax collection ng City Treasurers Office, sa nakalipas na 3 taon, umaabot lamang sa P50,750.00 ang nakolekta noong taong 2010, P50,750.00 noong 2011 at P70,000.00 noong nakaraang taon. Pero sa pagpasok ng taong 2013, matapos ipairal ang pagpapataw ng 10% amusement tax umabot na agad sa P137,665.00 ang due and demandable na babayaran ng Quezon Cockpit Arena at New Lucena Coliseum sa loob lamang ng isang buwan o as of January 2013.

Ang pagpapataw ng 10% amusement tax sa mga sabungan ay alinsunod sa nasabing batas na una ng naipasa anim na taon na ang nakakaraan. Bukod sa actual head count sa lahat ng mga papasok sa loob ng cockpit arena, nakasaad din sa nasabing batas na may karapatang maningil ng special permits fee ang City Government , o kapag mayroon special event ang mga sabungan kabilang ang pa-derby.

Ang pangongolekta ng 10% amusement tax ay ilan lamang sa mga napabayaan ng mahabang panahon at ang collection na dapat sana ay pumapasok sa kaban ng lungsod at ang makokolekta dito ay nailalaan sana mga proyektong para sa mga mamayang Lucenahin. Kung susumahin, aabot sa mahigit P1-M kada taon ang makokolekta mula sa 10% amusement tax pa lamang na di hamak na mas malaki sa halagang nakokolekta noong mga nakalipas na taon.

 

 
 
Copyright © 2010 City Government of Lucena in Cooperation with Qtech BSI.