Calendar of Events
Live. Love. Lucena
 
Home
 
  Lucena Hymn
Philgeps
BUSINESS PERMIT & LICENSING OFFICE

Latest News
Trak na panghakot ng basura, personal na in-inspeksyon ni Mayor Dondon Alcala at Administrator Jun Alcala

Press Release - January 17

Lucena City – Nagsagawa ng inspeksyon ang opisina ni Mayor Roderick Don-Don Alcala kasama ni City Administrator Anacleto Alcala Jr. sa motorpool ng General Services Office na kung saan naroroon ang mga trak na ginagamit na panghakot ng basura sa Lungsod ng Lucena. Dito pinulong ni Mayor Alcala ang mga namamahala sa paghakot ng basura at paglinis sa mga pangunahin kalye ng lungsod upang mapag-usapan kung ano ang dapat gawin upang lalong mapaganda ang serbisyo ng mga ito sa mga mamamayan ng lungsod.

Nabanggit ni Mayor Alcala na dapat nang simulan ang pagsasaayos ng mga ruta ng anim na gumaganang garbage truck ng lungsod. Tatlong shift ang susundin ng mga ito na kung saan ang una ay alas-6 ng umaga hanggang ala-una, ang pangalawa ay ala-una hanggang alas-9 at ang pangatlo ay magsisimula ng alas-7 ng gabi hanggang alas-3 ng madaling araw. Sinabi rin ni Mayor Alcala na makakadagdag rin sa ikagaganda ng serbisyong ito ang information dissemination sa pamamagitan ng pag-gamit ng nararapat na “jingle” upang ipaalam sa mga mamamayan na parating na ang mga kolektor at nang maihanda na ang kani-kanilang mga ipahahakot na basura.

Dagdag pa ni Mayor Alcala na dapat presentable lagi ang lahat ng mga garbage collectors at street sweepers kaya’t inatasan niya ang mga kinauukulang opisina na maipaayos sa lalong madaling panahon ang pagpapagawa ng mga uniporme at pagbibigay ng kaukulang mga gamit tulad ng face mask, gloves at rubber boots ang mga kolektor at mga tagalinis na ito.

Samantala, pinasyalan rin nina Mayor Alcala, kasama ni City Administrator Anacleto Alcala Jr. at, ang Lucena Public Market upang malaman ng personal ang problemang dapat matugunan sa nasabing lugar. (PIO LUCENA)
 

 
 
Copyright © 2010 City Government of Lucena in Cooperation with Qtech BSI.