Calendar of Events
Live. Love. Lucena
 
Home
 
  Lucena Hymn
Philgeps
BUSINESS PERMIT & LICENSING OFFICE

Latest News
Tuition fee sa City College, libre na ngayon - Mayor Dondon Alcala

Press Release - January 28, 2013

LUCENA CITY - Umani ng malakas na sigawan at palakpakan si Lucena City Mayor Roderick Dondon Alcala, makaraang ipahayag nito sa harap ng mga estudyante at faculty members ng City College of Lucena na libre na ang matrikula sa lahat ng estudyante ng nabanggit na kolehiyo. Ang pahayag ay ginawa ni Mayor Dondon Alcala kasabay sa pagbubukas ng CCL Sports Festival 2013 na ginanap sa City Sports Complex sa Barangay V, noong nakaraang linggo.

Nagbigay ng ibayong sigla sa humigit kumulang sa 1,500 estudyante ang pahayag na ito ng alkalde sapagkat tuluyan ng aalisin ang halagang P3,500 na bayarin para sa development share at miscellaneous fee na ipinapataw sa lahat ng mga estudyanteng hindi kabilang sa scholar ng naturang paaralan.

Ayon kay Mayor Dondon Alcala, pinulong na niya ang Board of Trustees ng kolehiyo upang mapag-aralan ng husto kung paano mapapaganda ang serbisyo para sa mga estudyante at kung paano higit na mapapakinabangan ang pondo na mula sa dating P12-M ay ginawa na ngayong P16-M.

Bukod sa libreng matrikula, sinabi pa ng alkalde na pinag-usapan na rin ang paglalagay ng karagdagang “security personnel” upang mapangalagaan ang katahimikan at seguridad sa buong bisinidad ng eskwelahan.

Kaugnay nito, pinuri ni Mayor Dondon Alcala ang pamunuan ng City College Lucena sa patuloy na pagtataguyod ng sports festival para sa mga estudyante para sa mapanatiling malusog at malakas ang pangangatawan at upang mapaiwas sa hindi magagandang Gawain. (PIO LUCENA FG)

 

 
 
Copyright © 2010 City Government of Lucena in Cooperation with Qtech BSI.